Pacquiao, itutulak ang pagpapaliban ng barangay elections

Pacquiao, itutulak ang pagpapaliban ng barangay elections

ITINUTULAK ngayon ni Senator Manny Pacquiao ang pagpapaliban muna ng barangay elections sa December, 2022.

Ani Pacquiao, ito ay upang makatipid sa pondo ng publiko.

Saad ni Pacquiao, tiyak na malaki ang gagastusin ng gobyerno sa May 9 general elections kaya mas mainam na huwag munang magsagawa ng barangay elections.

Aniya, aabot sa higit-kumulang P8-billion ang posibleng gagastusin ng gobyerno sa eleksiyon.

Dagdag pa ni Pacquiao, mas mainam na gastusin ito sa pagbibigay ng ayuda sa mga Pinoy at sa mga maliliit na negosyante.

Samantala, nais din ni Pacquiao na P1-million ang matatanggap ng mga Pilipino na aabot sa 101 years old.

Nakasaad sa batas na P100,000 ang matatanggap ng mga centenarian sa ilalim ng Republic Act 10868.

Follow SMNI NEWS in Twitter