BUO ang loob ni presidential candidate at Senator Manny Pacquiao na maraming mga overseas Filipino worker (OFWs) ang susuporta sa kanyang kandidatura.
Aniya, ito ay dahil marami siyang batas na ginawa na pabor sa mga OFW.
Sa kasagsagan ng kanyang kampanya sa Zamboanga, sinabi nito na maraming mga OFW ang nanood at sumusuporta sa kanyang mga laban noon.
Bukod pa rito, sinabi ni Pacquiao na ipino-post niya sa social media ang kanyang mga programa para sa mga OFW.
Ani Pacquiao, kabilang sa kanyang mga naipasang batas para sa OFW ay ang Republic Act 11227 o ang handbook for OFWs Act of 2018.
Hinimok naman ni Pacquiao ang publiko na patuloy na magtiwala sa Commission on Elections para sa isang malinis na halalan.