NANGAKO si presidential candidate at Senator Manny Pacquiao na susunod siya sa ipinapairal na motorcade ban sa Davao City.
Aniya, magsasagawa na lamang siya ng community forums sa Davao.
Dagdag pa ni Pacquiao, pumupunta siya sa mga barangay para maka-usap ang mga tao upang malaman ang kanilang mga hinaing.
Magugunitang, nilagdaan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang Executive Order No. 10 series of 2022 na nagbabawal sa motorcade sa syudad.
Ani Mayor Sara, ipagbabawal muna ang motorcade sa syudad dahil sa pagtaas ng presyo ng langis.
Bukod pa rito, maaari itong magdulot ng traffic sa lungsod na makaapekto sa mga nagtatrabaho.