Pacquiao, susuportahan ang aktibong transportasyon

Pacquiao, susuportahan ang aktibong transportasyon

SUSUPORTAHAN ni presidential candidate at Senator Manny Pacquiao ang aktibong transportasyon kabilang na ang paglalakad at paggamit ng bike.

Sang-ayon din si Pacquiao na paunlarin pa ito upang mahikayat ang mga tao sa active transport. Mainam aniya ito para sa kalusugan ng mga tao.

Bukod pa rito, balak din ng senador na gumawa ng mas marami pang skyways upang masolusyonan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Ani Pacquiao, isa siya sa mga senador na tumutulak sa Safe Pathways Bill.

Pabor din si Pacquiao na dagdagan ang pondo para sa aktibong transportasyon.

Balak din nitong palawakin ang Philippine Railway and Subway Systems sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa Elon Musk’s Spacex, at aniya ang Musk’s Boring Company ay makatutulong sa pagggawa ng subway systems sa bansa.

Follow SMNI NEWS on Twitter