Pag-aampon sa Pilipinas, mas madali at menos gastos na—NACC

Pag-aampon sa Pilipinas, mas madali at menos gastos na—NACC

MAS madali na at menos gastos ngayon ang proseso ng adoption sa Pilipinas dahil sa isang batas na pinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Enero 2022 nang pirmahan ni dating Pangulong Duterte ang RA No. 11642 (Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act).

Sa ilalim nito, mas madali na ang preseso ng pag-ampon sa Pilipinas.

At ang hahawak nito ay ang bagong tayong National Authority for Child Care (NACC).

“Previously ang adoption po ay dumadaan sa korte. So, that means you have to able of the services of a lawyer na puwede pang matagal ‘yung mga hearing ‘yung mga ganyan po. Ngayon po ay administrative na po ang adoption,” ayon kay Asec. Arezu Jam, NACC.

Dahil wala nang court process, menos gastos na ang pag-aampon sa bansa.

Dati, kailangan pang mag-attend ng mga gustong mag-ampon sa mga adoption forum.

Obligado ring dumaan sa counseling ng isang licensed social worker para tiyakin na interesado talaga ang mag-partner na mag-ampon.

Kailangan ding magsumite ng financial records ng mag-asawa at dadaan sa assessment ng Department of Social Welfare Development (DSWD) o Accredited Child Placing Agencies.

Kapag nakalusot sa mga nabanggit na requirement, magsasagawa pa ng home study ang isang social worker para i-assess ang kapasidad ng mag-aampon.

Pero dahil sa bagong batas, mas pinagaan na ngayon ang pag-aampon.

“Actually, napakaganda kasi before ang adoption dito sa Pilipinas talagang matagal. So, with this new law, na-streamline na lahat…”

“Dati inaabot ng mga ilang taon, siguro mga 5-years inaabot ‘yung iba, ngayon ang sa batas natin 6-9 months na lang aabutin,” ayon kay Usec. Janella Ejercito Estrada, NACC.

Dahil mas madali na ang proseso, diin ni NACC chief Usec. Janella Estrada na mas maraming Pinoy couples ngayon ang gustong mag-adopt.

“Actually noong lumabas ‘tong law, maraming-marami ng mga Filipino couples na ang nag-aapply to adopt,” dagdag ni Usec. Estrada.

Sang-ayon naman si Estrada na maituturing na legasiya ni FPRRD ang NACC.

Para sa mga interesadong mag-adopt, payo nito na magtungo lamang sa mga tanggapan nila sa buong bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter