MALUBHANG umaasa ang Pilipinas sa pag-aangkat ng mga mahahalagang produkto.
Ayon sa ekonomistang si Dr. Michael Batu sa panayam ng SMNI News, ito ang sanhi kung bakit mas tumaas pa ang inflation rate ng Pilipinas.
Maliban pa sa dependent ang Pilipinas sa pag-aangkat ay tumataas din ang demand ng iba’t ibang produkto.
Mungkahi ni Dr. Batu para masolusyonan ang problemang ito, baguhin ang itinuturing na “structural weakness” sa ekonomiya.
Iniulat ng Philippine Statistics Authority noong February 7, 2023 na umabot ang inflation rate ng Pilipinas sa 8.7% ngayong January 2023.
Mula ito sa 8.1% noong December 2022.