Pag-aangkat ng 22K metric tons ng sibuyas, inirerekomenda ng DA

Pag-aangkat ng 22K metric tons ng sibuyas, inirerekomenda ng DA

IREREKOMENDA ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng 22,000 metric tons ng imported na sibuyas.

Ito ay bilang tugon sa mataas na presyo ng lokal na sibuyas sa mga pangunahing pamilihan.

Mula sa naturang bilang, 10% rito ay puting sibuyas na nakatakdang ipakalat sa Luzon.

Gayundin ang mga imported na pulang sibuyas na nakatakda ring ipakalat sa mga pamilihan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng DA na inaasahan ang pagpasok ng imported sibuyas bago ang harvest season sa Pebrero.

Sa oras maipasok ang imported sibuyas, asahan na mas mababa sa itinakdang P250 kada kilo na suggested retail price ang presyo nito.

 

Follow SMNI News on Twitter