HINDI na muna itutuloy ng gobyerno ang pag-aangkat ng asukal hanggang sa kalagitnaan ng taong 2025.
Ito’y para ma-assess ang domestic supply levels pagkatapos ng harvest season ng asukal sa buwan ng Mayo sa susunod na taon.
Sa paliwanag ng Department of Agriculture (DA) at Sugar Regulatory Authority (SRA), sapat ang suplay ng ‘raw’ at ‘refined’ sugar sa bansa at nagsisimula pa lang din ang harvest season.
Sa kabila nito ay inamin ng SRA na medyo mahina ang harvest ng asukal ngayon kumpara noong 2023 dahil sa epekto na rin ng El Niño.