Pag-aangkat ng vape, ipagbabawal na sa Australia sa susunod na taon

Pag-aangkat ng vape, ipagbabawal na sa Australia sa susunod na taon

SISIMULAN na ng Australia ang pagbabawal ng importasyon ng disposable vapes simula Enero 2024.

Ayon sa Australian Health Minister na si Mark Butler, hakbang nila ito para mahinto ang sumisikat na paggamit ng vape sa mga kabataan.

Sa Marso 2024 naman ay palalawigin ang saklaw ng ban at kasama na rito ang lahat na non-therapeutic vapes gaya ng refillable devices.

Kakailanganin na rin ng mga importer ng vape na kumuha ng permit mula sa Office of Drug Control sakaling inaangkat ito para sa medical purposes.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble