MAGANDA kung maidaan sa ibang paraan ang pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas.
Ito ang suhestiyon ni Dr. Flordeliza Villaseñor, isang museum professional sa panayam ng SMNI News kaugnay sa panukala ni Sen. Robinhood Padilla na isama sa curriculum ng high school ang pag-aaral sa history.
Halimbawa aniya ang panonood ng historical films o kung ano mang uri ng paraan maliban sa pagbabasa ng makakapal na libro.
Dito, mas ma-eenganyo ang mga kabataan na mag-aral ng kasaysayan.
Plano naman ni Villaseñor na palawakin at mai-feature sa museums ang mga nagawa ng mga sinaunang bayani na siyang nagtaguyod para makamit ang kalayaan na tinatamasa ngayon.
Maliban pa aniya ito sa mga nagawa ng modernong bayani kung maituring sa kasalukuyan.
Samantala, ngayong araw, Agosto 29 ay ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Heroes Day.
Para kay Villaseñor, huwaran at modelo kung mailalarawan ang mga bayaning Pilipino at isa sa napakagandang ugali na likas na sa mga Pinoy ay ang pagiging resilient o adaptable sa lahat ng bagay.
Dito lang aniya nakikita sa Pilipinas na kahit tinamaan na ng sakuna, nakukuha pang magtulungan ang isa’t-isa upang makabangon, bagay na namana sa mga naunang bayani ng bansa.