IPINAPAUBAYA na ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko kung nararapat ba ang pag-absuwelto kay dating Senator Leila de Lima.
“Ako, I leave it to the public, hindi na ako magtatanong about her character,” pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“Bahala na ang publiko para humusga!’ ani FPRRD.
Ito ang binigyang-diin ni FPRRD matapos ang acquittal sa ikalawang drug case ni De Lima sa kaniyang programang “Gikan sa Masa Para sa Masa” sa SMNI kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy, Miyerkules Mayo 31, 2023.
Kamakailan ay nagdesisyon ang korte na i-acquit si De Lima kasama ang driver nito na si Ronnie Dayan sa kasong ‘conspiracy to commit illegal drug trading on the ground of reasonable doubt’ matapos ang pagbaliktad ni dating Bureau of Corrections OIC Rafael Ragos laban kay De Lima.
Sa unang pahayag ni Ragos, sinabi nitong siya mismo ang naghatid ng drug money kay De Lima na nagkakahalaga ng P5-M sa bahay ng dating senador para sa senatorial bid nito noong 2012.
Ayon naman sa Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors na hindi sapat ang pagbaliktad ni Ragos para masira ang naging orihinal na testimonya nito kung saan ay sinumpaan niya ito sa harap ng husgado at dumaan sa matinding cross examinations.
Dagdag dito, ang ibang ebidensiya laban kay De Lima na iprinisenta sa korte ay may elemento ng krimen at involvement ng mga akusado.
Una nang nagpahayag si dating Chief Presidential Legal Counsel at anchor ng SMNI na si Atty. Salvador Panelo na bagamat nirerespeto nito ang hukuman sa naging desisyon sa kaso ni De Lima, mali ang desisyon nito para bigyan ng acquittal ang dating senador.
“Unang-una, dalawa ang nagtestigo na tinanggap ang pera 10 million in total dalawang beses yung isa nag recant eh pano nangyayari yun may isa pa nagsasabi….pangalawa yung nagrecant sa ngayon sa kaniya na tinakot siya …eh bakit ang hukuman ….di naman naaprubahan..platform,” saad ni Atty. Salvador Panelo, Former Chief Presidential Legal Counsel.
Pinaalalahanan naman ni dating Pangulong Duterte ang publiko kaugnay sa pagkatao ni De Lima at hinamon na tumakbo ito sa halalan para patunayan kung tunay ngang itong may good moral character.
“Yung character niya dinisplay niya na lahat, even before sa droga. Who would ever think that a woman would allow her to have sex with a person tapos being recorded tapos ilabas mo?”
“Sabihin ko nga, if you think that she is really good of good moral character, competent and everything. If she runs for public office as mayor, councilor, senator or president then vote for her, it would be a vindication of what you believe her to be, sa inyo na ‘yan, hindi na ako makikipag-away diyan, eh patapos na ako eh.”
“Pero kung naniwala kayo sa kaniya and she opts to run for public office. You have seen it all. Even before yung droga, droga you saw her, you saw the x-rated. Tell me if (she) is deserving of being even as a barangay councilor,” ayon pa kay FPRRD.