Pag-aksyon ni PBBM sa promosyon ng mga opisyal ng AFP, pinasalamatan ng Defense chief

Pag-aksyon ni PBBM sa promosyon ng mga opisyal ng AFP, pinasalamatan ng Defense chief

PINASALAMATAN ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang AFP Board of Generals sa pag-aksyon sa promosyon ng mga matataas na opisyal ng militar.

Ito ay matapos maantala ang promosyon ng ilang senior military officers dahil sa pagpapalit ng administrasyon.

Ayon kay Galvez, isa ito sa mga hinaing ng mga opisyal kaya nagpapasalamat sila na noong Enero 13 ay naaksyunan na ng Pangulo ang usapin sa promosyon.

Kabilang sa nabigyan ng promosyon ang 3 Lieutenant General, 6 Major General at 17 General Officer.

Umaasa naman si Galvez na sunod na matutugunan ng Pangulo ang promosyon ng iba pang opisyal na inirekomenda ng AFP Board of Generals.

Follow SMNI NEWS in Twitter