INAPRUBAHAN na ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Board ang importasyon ng 150,000 metric tons (MT) ng puting asukal.
Kasunod ito sa inilabas na Sugar Order Number 7 Series of 2022 to 2023.
Ayon sa ahensiya, mapananatili ng importasyong ito ang dalawang buwang imbak ng asukal sa bansa.
Kinailangang muling mag-angkat ng asukal upang punuan ang kakulangan sa supply at maiwasang tumaas ang presyo sa merkado.
Aminado kasi ang ahensiya ng SRA na kukulangin sa suplay ng asukal ang bansa simula sa buwan ng Agosto.
Ito na ang ikalawang batch ng sugar import ng bansa ngayong taon.
Inaasahang darating ang unang batch ng imported asukal sa Agosto 15.
At kinakailangang makarating sa Pilipinas ang mga asukal ng hindi lalampas sa September 15, 2023.