Pag-apruba ng panukalang P15.2-B budget, ikinatuwa ng DMW

Pag-apruba ng panukalang P15.2-B budget, ikinatuwa ng DMW

IKINATUWA ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pag-abruba ng House of Representatives sa panukalang P15.2-B 2023 budget ng kagawaran taliwas naman ito sa mga ilang OFW advocates dahil humihirit pa sila ng dagdag-budget para sa kapakanan ng mga OFW.

Kahit kasalukuyang nasa New York City si DMW Sec. Susan Ople ay masaya at nagpaabot ng pasasalamat ito nang malaman niyang naaprubahan na ang proposed budget ng kagawaran para sa taong 2023.

Inihayag ng kalihim na ang naaprubahang budget ay  magbibigay-daan sa DMW na magpatupad sa National Reintegration Program sa mga umuuwing OFW.

“It is an honor to sponsor and defend the budget of the most infant of departments in the government, the Department of Migrant Workers (DMW). We often refer to our Overseas Filipino Workers (OFWs) as our modern-day heroes for the remittances that they send and continue to bring life to our economy. It is only right that we have a department that will truly cater, fight for the rights of our OFWs,” pahayag ni David “Jayjay” Suarez, Quezon Representative.

Matatandaan dinipensahan ni Suarez ang iminumungkahing budget na P3.5-B para sa tanggapan ng kalihim at sa iba’t ibang yunit na nasa ilalim ng pangangasiwa nito.

Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na isang attached agency ng DMW, ay tatanggap naman ng natitirang P11.7B ng budget ng departamento.

Para naman kay Ople,  ang pag-apruba ng Kamara sa budget ay ang itinuturing na keystone na bubuo sa DMW bilang isang ganap na cabinet department.

“The House’s approval of the appropriation is the keystone that will finally constitute the DMW as a full-fledged cabinet department,” ayon kay Ople.

Pero para naman sa ilang OFW advocate ang naaprubahang budget ay hindi pa rin sasapat sa pangangailangan ng mga OFW partikular na sa reintegration program.

Bukod pa dito ang iba pang programa gaya ng OFW Hospital, pabahay para sa mga OFW ay mahalaga pa rin dapat tutukan ng bagong itinatag na kagawaran.

Hinihirit din ng grupo na kahit man lang disenteng budget ang ipagkaloob sa DMW na kahit man lang aabot sa .5% mula kabuuang remittances ng OFW noong nakaraang taon.

Kahapon naisumite na ng kanilang grupo sa Kongreso at Senado ang petisyon na naglalayong dagdagan pa ang budget ng DMW.

Dahil dito, nanawagan na mabigyan-pansin ang kanilang kahilingan na dagdag-budget sa kapakanan ng mga OFW.

Follow SMNI News on Twitter