SUSPENDIDO muna ang pag-apruba ng Senado sa magiging budget ng Presidential Communications Office (PCO) sa 2025.
Sanhi dito ay ang hindi magkaparehong bilang ng kabuuang barangay sa bansa nina Philippine Information Agency Director General Jose Torres at Sen. Loren Legarda.
Sa datos ni Torres ay nasa 42,045 ang mga barangay ngunit kay Sen. Legarda ay nasa 42,004 lang.
Naitanong naman ni Sen. Legarda ang tungkol sa kabuuang bilang ng mga barangay sa bansa dahil sa proyekto ng PCO na Barangay Information Officers Network Summit.
Nasa P2.281-B ang hiling na pondo ng PCO para sa susunod na taon.