GINAGAMIT ang pag-aresto kay FPRRD upang ilihis ang atensiyon ng publiko mula sa isyu ng 2025 national budget, ayon kay Davao City Mayor Sebastian Duterte.
Halatang dahil sa politika kung bakit ipinaaresto ng gobyerno si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte
Sa isang Facebook post ni Mayor Baste Duterte, sinabi niyang ginagamit ang pangyayaring ito upang mailihis ang atensiyon ng publiko mula sa isyu ng 2025 national budget.
Ayon pa kay Baste, mukhang nais na nilang patayin ang dating pangulo nang ito ay naka-detain pa sa Villamor Air Base.
Mapapansing habang naka-detain si FPRRD doon nitong Martes, Marso 11 bago inilipad sa Netherlands, ay hindi siya pinahintulutang bigyan ng atensiyong medikal.
Ito’y kahit pa sinabi na ni Kitty Duterte, ang bunsong anak ni FPRRD, na tumaas ang blood sugar ng dating pangulo at nanghihina na ito.
Dumating si FPRRD sa Pilipinas mula Hong Kong 10:00 ng umaga nitong Martes.
Follow SMNI News on Rumble