MARIING-kinondena ng Department of National Defense (DND) ang pag-atake ng mga miyembro ng communist terrorist group (CTG) sa Las Navas, Northern Samar.
Nasawi sa pag-atake ang dalawang tao na kinilalang sina Roel Lebico at Jerson Cabe.
Sa isang pahayag, sinabi ni DND spokesperson Arsenio Andolong na lubos na nakikiramay ang kagawaran sa pamilya ng mga biktima, at tiniyak na gagawin nila ang lahat upang mapanagot ang salarin at makamit ang hustisya.
Ayon kay Andolong, ang paggamit ng anti-personnel mines (APM) sa nasabing pag-atake ay pagwawalang-bahala sa kaligtasan ng mga sibilyan at paglabag sa International Humanitarian Law (IHL).
Tiniyak naman ng DND na patuloy na magbabantay ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang matiyak ang seguridad sa mga komunidad.