Pag-atake ng Israel sa isang paaralan sa Gaza, sanhi ng pagkasawi ng 100

Pag-atake ng Israel sa isang paaralan sa Gaza, sanhi ng pagkasawi ng 100

TINATAYANG nasa 100 ang nasawi matapos inatake ng Israeli military ang isang paaralan sa Gaza City batay sa ulat ng Gaza Civil Emergency Service.

Nangyari ito noong Sabado, Agosto 10.

Kasama pa sa mga namatay ay mga kabataan at mga kababaihan.

Sa ulat naman ng Israel, 19 sa mga namatay ay mga Hamas militant.

Dagdag pa kay Lieutenant Colonel Nadav Shoshani, ang compound at mosque na nasa paaralan ay nagsisilbing active Hamas at Islamic Jihad military facility dahilan kung bakit inatake nila ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble