Pag-atras ni Senator Bong Go sa 2022 Presidential race, may ilang positibong resulta

MAY ilang positibong resulta ang pag-atras ni Senator Christopher Bong Go sa 2022 Presidential race.

Gayunpaman, nalungkot si dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa desisyon ni Go.

Lalo na’t malapit silang magkaibigan ng Senador.

Pero tingin ni Cayetano, may ilang positibong resulta ang pag-atras ni Go.

“Now on the side of the President I think it’s also good news. Why? Then he can focus on two things. Having clean and honest election kasi although I believe they were still planning on having clean and honest election syempre kung may kandidato ang presidente they’ll always be allegation na baka papaboran diba ng gobyerno. And secondly yung COVID-19 response, now the President and his men could talk to all presidentiables kung mag-aasign sila ng transition team para medyo ma-orient na sila dito sa COVID response team natin. Hindi perfect yung IATF but kahit papano it’s a working organization and it’s not that easy to just take over and to continue no,” ayon kay Rep. Alan Peter Cayetano.

Inamin naman ni Cayetano na nagkita sila ni Go at Pangulong Duterte nitong nakaraang linggo sa Taguig bago umatras ang senador sa pagtakbo.

At dahil sa bigat ng hamong kahaharapin ng susunod na Pangulo ng Pilipinas, diin ng dating speaker na dapat masimulan na sa lalong madaling panahon ang presidential debates.

“So sa akin, bat hindi natin i-advance yung forums. Let’s have January, February. Diba pag start ng local alam naman natin naka-focus yung mga tao sa Mayor, Vice Mayor, Congressman, Governor. So habang hindi pa nag-uumpisa yung local why don’t we start doing the debates and start really assessing who will be the best candidate for 2022,’’saad nito.

SMNI NEWS