Pag-broadcast ng BBC World news, ipinagbawal sa China

DISMAYADO ang BBC sa naging desisyon ng Chinese authorities matapos ipagbawal ang pag-broadcast nito sa bansa.

Giit ng BBC, ang BBC World News Television Network ang pinakamapagkakatiwalaan na international news broadcaster.

Salungat naman ito sa pahayag ng Chinese authorities kung saan ayon sa China’s National Radio and Television Administration, lumabag ang naturang network sa broadcast guidelines.

Base sa imbestigasyon, nilabag nang matindi ng BBC ang national interest ng China at nalabag din nito ang pagiging “truthful and fair” sa paghahatid ng balita.

Ito ay kaugnay ng mga balita na inilabas ng BBC patungkol sa nangyayaring genocide umano sa bansang China at sa nangyayaring pagkulong umano ng mahigit milyon na Uighurs sa bansa.

SMNI NEWS