Pagpigil ng COVID variants, isang hamon para sa Pilipinas —Herbosa

Pagpigil ng COVID variants, isang hamon para sa Pilipinas —Herbosa

ISANG hamon kung maituturing sa Pilipinas kung paano mapigil ang mutation ng COVID-19 mula sa ibang bansa dahil global citizen ang mga Pilipino.

Ito ang naging pananaw ni Dr. Ted Herbosa, adviser ng National Task Force (NTF) Covid-19 sa panayam ng SMNI News.

Wala pa kasi aniyang overseas Filipino ang pinagbawalan  talaga na makauwi dito sa bansa.

Madali naman aniyang mapigilan ang Lambda variant kung ang nagpositibo nito ay mula sa returning overseas Filipino subalit nakakabahala aniya kung nagmumula ito sa indibidwal na hindi naman lumabas sa bansa.

“Filipino citizen is a global citizen at wala pa tayong pinipigilang Pilipinong umuwi sa kanilang bayan. So pag ‘yan nanggaling sa isang returning overseas Filipino, ang very important ay maprevent ‘yan na makahawa ng iba. So sana itong nagpositive ng Lambda (COVID variant), nakapag-comply doon sa quarantine procedure natin kung sya ay returning Filipino. Ngayon, kung nakita naman sa isang taong nandito na sa komunidad na hindi nagbiyahe, ay nakakabahala ‘yan,” ani Herbosa.

Samantala, epektibo pa naman aniya ang pitong COVID-19 vaccines na kasalukuyang ginagamit ng mga bansa subalit medyo bumaba na ito dahil mas resistant ang COVID variants kumpara sa orihinal na uri ng COVID-19.

Mas mainam aniya na mag-ingat pa rin laban sa virus.

SMNI NEWS