MARIING tinuligsa ni Philippine Navy Retired Capt. Edison Bong Nebrija at dating MMDA traffic czar ang pag-contempt ng isang kongresista kay dating PDEA Director General Wilkins Villanueva.
Sa isang post ni Nebrija, ipinagtanggol nito ang dating PDEA official matapos akusahan ng pagsisinungaling dahil hindi nagustuhan ni Cong. Stephen Paduano ang mga sagot nito.
Binigyang-diin pa nito na si Villanueva ay nabubuhay na taglay ang prinsipyo ng “courage, integrity, and loyalty” ng Philippine Military Academy.
Paulit-ulit ding isinusugal ni Villanueva ang kaniyang buhay para sa bayan.
Sinabi pa ni Nebrija na may nabubuhay sa prinsipyo na ‘my honor is my life; take away my honor, and my life is gone.’
Pinatutsadahan pa nito ang kongresista kung ano ang tinatayuan nito; ‘lumalaban ba para sa bayan o nilalaban ang bansa?’
Samantala, matapang ding pinuna ni Sen. Bato dela Rosa ang ginawa ni Paduano.
Aniya, napakahilig ng kongresistang mag cite-in contempt sa taong hindi nagbibigay ng sagot na gusto niya at hindi rin unlimited ang ginagawa nitong pang-aabuso sa kaniyang kapangyarihan.
Nag-real talk din ang senador na si dating PDEA Director Villanueva ay may malinis na tack record kumpara kay Paduano na may history ng pagsira sa Pilipinas.