Pag-endorso kay FPRRD sa ICC walang legal basis—VP Sara

Pag-endorso kay FPRRD sa ICC walang legal basis—VP Sara

WALANG legal basis para iendorso si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ayon ito kay Vice President Sara Duterte kasunod ng pag-aresto ng Philippine National Police (PNP) sa kaniyang ama na si FPRRD at pagbiyahe nito sa Netherlands, kung saan matatagpuan ang headquarters ng naturang korte.

Marami na rin namang mga eksperto ang nagsabi na wala talagang kapangyarihan ang ICC sa Pilipinas dahil kumalas na ang bansa bilang miyembro rito noong 2018.

Ibig sabihin, walang hurisdiksiyon ang ICC sa Pilipinas dahil hindi ito saklaw ng Rome Statute.

Ang Rome Statute ay ang kasunduan na nagtatag ng ICC.

Sa kabilang banda, ipinaalala na rin ni VP Sara ang pagkakaroon ng dayaan sa nalalapit na midterm elections.

Lalo na at mukhang matatalo ang senatorial lineup ng administrasyon dahil malakas ang siyam na kandidato mula sa PDP-Laban ni FPRRD.

Ang siyam na senatorial candidates sa ilalim ng PDP-Laban ay sina Atty. Raul Lambino, Atty. Jayvee Hinlo, Atty. Jimmy Bondoc, Atty. Vic Rodriguez, SAGIP Party-list Rep. Atty. Rodante Marcoleta, Philip Salvador, at ang dalawang incumbent senators na sina Bong Go at Bato dela Rosa.

Si Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ay nasa senatorial lineup rin ng PDP-Laban.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble