NAKAHANDANG tumulong ang Pag-IBIG sa mga miyembro na naapektuhan ng Bagyong Paeng ayon kay Pag-IBIG Fund chief Executive Officer Marilene C. Acosta.
Ayon kay Acosta, inilaan ang P5-B calamity loan funds para sa agarang tulong sa mga naapektuhan ng bagyo sa kanilang immediate recovery.
Pwedeng maka pag-loan ang mga miyembro hanggang 80% ng kanilang total savings kung saan babayaran ito sa loob ng 3 taon.
Samantala, nakapag-release na ang ahensya ng P2.03-B calamity loans sa 149,773 sa mga miyembro nito na tinamaan ng kalamidad nitong Setyembre 2022.
Nananatiling bukas ang ahensya sa mga loan application, housing loan, at insurance claims.