Pag-Ibig Fund kumita ng higit P31 bilyon para sa taong 2020

SINABI ng Home Development Mutual Fund (Pag-Ibig Fund) na umabot sa P31.18 billion ang net income nito para sa taong 2020.

Ito na ang ika-apat na sunod na taong nalampasan ng ahensiya ang P30 billion mark sa kabila ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa Pag-Ibig, ang kinita ng kanilang ahensiya ay mas mababa ng 9% kumpara sa kinita nila noong 2019 na umabot ng P34.7 billion at ang gross income naman ay nasa P44.99 billion.

Sinabi naman ni Human Settlements Secretary Eduardo del Rosario na ibabahagi nila ang nasa P29.40 bilyong o nasa 94% ng kanilang net income sa mga miyembro ng Pag-IBIG sa pamamagitan ng dividends.

Sa ilalim ng charter ng ahensiya, mandato ito na ideklara ang hindi bababa sa 70% ng taunang net income nito bilang dibidendo na ibabahagi naman sa mga savings ng mga miyembro nito.

Ngunit inaprubahan ng board members ng ahensiya na itaas ito sa 93.68% ngayong taon upang matulungan ang mga miyembro nito lalo ngayong nasa kalagitnaan ng COVID-19 crisis.

Samantala, umabot naman ang housing loan ng ahensya sa P12.11 billion noong Disyembre na siyang pinakamataas na nai-record sa isang buwan na pinakinabangan ng nasa 12,275 members.

Pinuri naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang Pag-Ibig Fund dahil sa maganda nitong ipinakitang trabaho para sa taong 2020 at sinabing inaabangan ng Department of Finance ang bagong records na maaabot ng ahensiya ngayong taon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.