NITONG Lunes nang magsimula ang Mahalin Natin ang Pilipinas caravan ni Davao City Mayor Sara Duterte.
Araw-araw silang magsasakripisyo kasama ang Mayora ng Dabaw sakay ng motor para makasalumuha ng personal ang mga taga suporta.
Ito’y bahagi ng kampanya ng presidential daughter para sa pagka bise presidente.
Ayon sa malapit niyang kaalyado na si Davao City Councilor Danny Dayanghirang, hindi biro paglulunsad ng ganoong klaseng kampanya.
“Alam mo yung to be standing during the motorcade dalawa tatlong oras under the heat of the sun like driving a motorcycle from the South to the North is a big sacrifice is a no easy matter.” Sinabi ni Danny Dayanghirang , Davao City Councilor | Co-Convenor, Sara-All Parallel Group
“Napakahirap po ng security niyan. Ini-expose niya yung sarili niya sa elements. Ini-expose niya po ang sarili niya sa kung anumang bagay at hindi siya natatakot. Ito po ay isang babae at nagpapakita na talagang anumang mangyari para sa bansa ay susugal siya.” Ayon kay Dayanghirang
Diin pa ni Dayanghirang, isang buwan silang mag-iikot sa buong Pilipinas sa ilalim ng Mahalin Natin ang Pilipinas.
“Ito ay talagang open siya sa mga tao. Kitang kita po nakahubad na ito (ng helmet) sumasakay na ulit. Baba at sakay ang ginagawa ni Mayor Sara. Ito ay pagpapakita na ang ginagawa ay para sa bayan.” Dagdag pa nito.