40% nang tapos ang pag-install ng closed-circuit television (CCTV) cameras sa EDSA Bus Carousel, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito ang ipinabatid ni MMDA acting Chairman Atty. Romando Artes sa pakikipagpulong niya kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.
Sabi ng MMDA, ang CCTV cameras ay mayroong video analytics na may kakayahang ma-monitor ang movement ng mga bus.
Matatandaan na plano rin ng DOTr na ilipat sa MMDA ang pamamahala ng Bus Management and Dispatch System (BMDS) sa EDSA Bus Carousel.
Inilatag naman ni Artes ang ilang concerns gaya ng pag-identify ng holding areas para sa public utility buses bago ang dispatching.
Kabilang pa sa tinakalay sa pagpupulong ang update sa active transport infrastructure development at proposed pocket track extension sa EDSA-Tramo northbound.