Pag-pullout ng BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal, humanitarian at hindi political

Pag-pullout ng BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal, humanitarian at hindi political

BUMALIK sa Palawan ang BRP Teresa Magbanua mula sa Escoda Shoal lulan ang nasa 60 na Philippine Coast Guard (PCG) personnel.

Sa pahayag ng PCG, humanitarian ang rason ng pag-pullout at hindi politikal.

Ibig sabihin, umuwi sila sa Palawan dahil sa hindi magandang panahon at nauubos na rin ang kanilang supplies gaya ng pagkain at inuming tubig.

Nasira din ito dahil sa pagbangga ng China Coast Guard noong Agosto 31.

Ang BRP Teresa Magbanua ay naka-station sa Escoda Shoal simula noong Abril upang bantayan ang teritoryo ng bansa mula sa umano’y reclamation activities ng China.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble