Pag-renew ng lisensya, gagawing online ng LTO

Pag-renew ng lisensya, gagawing online ng LTO

NAKATAKDANG maglunsad ang Land Transportation Office (LTO) ng isang online platform para sa mga nais mag-renew ng lisensya sa Disyembre.

Layunin ng online platform ng LTO ay upang maiwasan ang mahabang pila sa mga tanggapan nito dahilan kung kaya’t naabutan ng ilang oras ang mga aplikante.

Alinsunod din ito sa mandato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa mga ahensiya ng pamahalaan na dapat gawing digitalized ang transaksyon sa publiko.

“Meron po kaming proyekto ‘yan hopefully by December po ilulunsad na ho namin ‘yung online registration. Ibig sabihin po hindi na ho kayo kailangang pumunta sa LTO, online na. Pagkatapos ng medical check up dire-diretso na ‘yan pati bayad gamitin natin ‘yung mga online payment centers po natin. So, we are looking forward to a possibility na by December po mailunsad na po natin,” pahayag ni Asec, Teofilo Guadiz III, chief LTO.

Dagdag pa ni Asec. Guadiz, hindi na rin kailangan pumunta sa tanggapan ng LTO para sa pagkuha ng picture dahil sa gamit ang mobile phone ay pupuwede na rin itong ipadala.

At sa oras natapos ang paggawa ng lisensya, maaari itong ipadala sa trusted courier upang iwas-gastos na rin sa pamasahe.

“Marami po kayong pagpipilian na mga courier of your choice babayaran niyo po ‘yan online. So, ang tao hindi na talaga kailangang pumunta sa LTO but that is only for renewal po,” ayon kay Guadiz.

Ayon pa ni Guadiz, nasa 60% ang volume ng transaksyon ng renewal ng lisensya sa tanggapan ng LTO.

At sa oras na mailunsad ito, tinatayang 25% ng volume ng transaksyon sa pag-renew ng lisensya  ang maitutulong nito.

Ani Guadiz, unang ilulunsad ang online registration sa renewal ng lisensya sa Metro Manila, at sa iba pang urban places gaya ng Cebu at Davao.

MGA KAUGNAY NA BALITA:

Mga serbisyo ng LTO, muling ilalapit sa publiko sa pamamagitan ng ‘LTO on Wheels’

Ticketan sa kalsada hindi na pwedeng mano-mano ayon sa LTO

Follow SMNI NEWS in Twitter