Pag-turnover ng mas maraming pabahay, pinangako ng DHSUD ngayong 2025

Pag-turnover ng mas maraming pabahay, pinangako ng DHSUD ngayong 2025

NANGAKO ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na mamahagi na sila ng mas maraming bahay ngayong 2025.

Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, asahan na ang tuloy-tuloy na turnover ng mga yunit sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) program sa susunod na linggo.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 56 na proyektong pabahay na itinatayo sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Paliwanag ni Secretary Acuzar, umabot ng dalawang taon bago tuluyang maisakatuparan ang 4PH projects dahil sa mga pagbabago sa disenyo patungo sa vertical housing o condominium-type development.

Dagdag pa rito ang ilang pagkaantala sa dokumentasyon sa pakikipagtulungan ng DHSUD sa mga pribadong kasosyo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble