Pag-usbong ng AI sa Pilipinas, malaking hamon sa film industry

Pag-usbong ng AI sa Pilipinas, malaking hamon sa film industry

MALAKING epekto lalo na sa film industry ang pag-usbong ng artificial intelligence (Al) sa Pilipinas.

Ito ang pinangangambahan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Sa unang pagkakataon, isang forum ang isinagawa ng MTRCB.

Ang nasabing aktibidad ay nakatuon kung papaano mapapantayan ang umuusbong na AI na malaking epekto sa iba’t ibang industriya partikular na sa pelikula, pagkanta, musika at iba pa.

Ayon kay MTRCB Vice Chairman Nathaniel de Mesa, sa oras na makontrol ng Al ang lahat ng industriya, posibleng maraming Pilipino ang mawawalan ng trabaho.

Maaari na kasing gayahin ng isang robot o Al ang itsura, pananalita, paggalaw at iba pa ng isang tao.

Punto pa ni De Mesa, marami na sa social media o mga content na hindi na sakop sa polisiya ng MTRCB ang nakasisira sa mga kabataan.

Partikular na tinukoy ng opisyal ang social media platform na Yeast, iba’t ibang kalaswaan o pornography ang maaaring makita.

Giit pa nito, kinakailangan na aniya itong tutukan ng pamahalaan upang matugunan ang problemang hatid ng AI lalo na sa mga kabataan.

Sinabi pa ng MTRCB, dapat magkakaroon ng mga pagpupulong mula sa iba’t iba pang ahensiya ng pamahalaan upang mahabol o mapantayan pa ang talino ng isang AI.

Ganito rin ang naging suhestiyon ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon.

Samantala, pinag-aaralan pa rin ng MTRCB ang magiging hakbang nito.

Patungkol sa panawagan ng ilang senador gaya nina Senator Francis Tolentino at Jinggoy Estrada na ipagbawal ang pagpapalabas ng pambatang pelikulang “Barbie” sa Pilipinas.

Ito’y matapos ang pagpapakita ng “9-dash claim” ng China sa South China Sea sa isang eksena sa pelikula na para sa mga senador ay paglabag sa soberanya ng Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter