Pag-veto ni PBBM sa pagpapatayo ng Bulacan Airport, hakbang upang mapabilis ang pagsasaayos sa panukala – press secretary

Pag-veto ni PBBM sa pagpapatayo ng Bulacan Airport, hakbang upang mapabilis ang pagsasaayos sa panukala – press secretary

NILINAW ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Trixie Cruz-Angeles na suportado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpatatayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport o House Bill 7575.

Sinabi ni Angeles na ang pag-veto ay bilang hakbang upang mabilis na maisaayos ang nakitang depekto sa nasabing panukala.

Ginawa rin aniya ng Pangulo ito dahil mag-lapsed into law ang nasabing panukala ngayong araw, 30 araw ang nakalipas matapos itong ihain sa Malakanyang.

Nauna namang sinabi ni Pangulong Marcos na nauunawaan niya na para sa local economic growth ang naturang panukala ngunit hindi rin dapat isantabi ang “fiscal risks’ na maaaring maidulot nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter