Paggamit ng salitang “FLiRT” bilang pagtukoy sa COVID-19 subvariants maaring magdulot ng “miscommunication”—DOH

Paggamit ng salitang “FLiRT” bilang pagtukoy sa COVID-19 subvariants maaring magdulot ng “miscommunication”—DOH

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na maaring magdulot ng miscommunication ang pagtawag ng FLiRT sa mga COVID-19 subvariant na KP. 2 at KP. 3.

Ayon sa DOH, ang FLiRT variants ay nickname na ginagamit lamang ng mga researcher sa mga pagbabago sa amino acid sa spike protein ng COVID-19.

Ang tamang pangalan aniya ng mga subvariant na classified as under monitoring ay KP. 2 at KP. 3 at hindi FLiRT variants.

Ayon sa ahensiya, dapat iwasan ang paggamit ng FLiRT bilang pagtukoy sa mga subvariants dahil ang terminong ito ay informal at casual na maaari ngang magresulta sa miscommunication sa health risk.

Sa kabila naman ng naturang subvariants na maaring nakapasok na ng bansa ay sinabi ng ahensiya na nanatili sa low risk ang lahat ng rehiyon sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter