HULING namataan kaninang alas tres ng madaling araw, Oktubre 7, 2024 ang isang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
May layo ito na 165 kilometro kanluran, hilagang kanluran ng Palawan.
Ito na ang dahilan ng mga pag-ulan gaya ng sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Inaasahang magdadala ito ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Bicol Region, MIMAROPA, Quezon, Rizal, Laguna, at Batangas.
Posible rin ang mga pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot ng easterlies sa Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley at Central Luzon.
Ngayong araw naman ay nararanasan at inaasahang mararanasan ng Quezon City, Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Taguig, Pasay, at Makati ang katamtaman hanggang sa may kalakasang pag-ulan.