NAGLABAS ng flood bulletin ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, Hulyo 3, 2025 para sa Pasig-Marikina-Laguna de Bay at Tullahan River Basins.
Ito’y dahil posibleng magdulot ng mga pagbaha ang mahina hanggang katamtamang buhos ng ulan dala ng Habagat o southwest monsoon.
Partikular na manganganib ang mga lugar tulad ng:
- Upper Marikina River: Rodriguez, Antipolo, at San Mateo (Rizal); Quezon City; at Marikina City
- Lower Marikina River: Pasig City, Mandaluyong City
- Pasig River: Pasig City, Makati City, Mandaluyong City, Manila
- San Juan River: Quezon City, San Juan City, Manila
- Mango River: Rodriguez, Rizal
- Nangka River: Marikina City; San Mateo at Antipolo (Rizal)
- Cainta River: Cainta, Rizal
- Taytay River: Taytay, Rizal
- Buli Creek: Pasig City, Cainta
- Tullahan River: Quezon City, Caloocan City, Malabon City, Navotas City, Valenzuela City
Ang mga bulletin ay epektibo mula alas sais kaninang umaga hanggang alas sais mamayang gabi, Hulyo 3, 2025.