SUGATAN ang 10 katao sa pagsabog ng pagawaan ng paputok sa Barangay Pulong Buhangin sa Sta. Maria, Bulacan nitong Huwebes.
Sinabi ng Chief of Police ng Sta. Maria, Bulacan na si Police Lieutenant Colonel Christian Alucod na 6 sa mga nasugatan ay nakauwi na matapos mabigyan ng paunang lunas.
Habang 4 ang patuloy pa ring ginagamot sa ospital kung saan isa rito ang nagtamo ng 3rd degree burn.
Sinabi ni Alucod na may pananagutan sa insidente ang may-ari na isa sa mga nagtamo ng minor injury.
Ayon kay Alucod, sa inisyal na impormasyon ay walang permit to operate ang nasabing pagawaan ng paputok.
Bukod dito, nadamay rin at napinsala dahil sa pagsabog ang mga bahay at ari-arian na 50 meters ang layo mula sa pinangyarihan ng pagsabog.