Pagbaba ng inflation, asahan dahil sa paparating na harvest season–mambabatas

Pagbaba ng inflation, asahan dahil sa paparating na harvest season–mambabatas

IGINIIT ni House Committee on Agriculture Chairman Mark Enverga na inaasahan nila sa Kamara na bababa ang inflation rate sa bansa.

Reaksyon ito ng House Agri Panel Chair na kinatawan rin ng Quezon 1st District matapos tumaas sa 6.1% ang inflation para sa buwan ng Setyembre.

Ayon kay Enverga, inaasahan nila ang pagbaba ng inflation sa mga susunod na buwan dahil sa paparating na harvest season.

At sa panahon ng harvest, nagiging stable ang presyo ng mga pangunahing bilihin at naaalpas sa economic pressure ang mga pinoy.

“As the harvest season approaches, we can anticipate stabilization and, eventually, a decrease in inflation rates. Our nation’s agricultural sector is a cornerstone of our economy, and the bountiful harvests ahead will undoubtedly have a significant impact on curbing inflation,” ani Enverga.

Pinuri naman nila sa Kamara ang mga hakbang ni Pangulong Bongbong Macos para sa mga magsasaka lalo na ang pag-invest sa infrastructure technology.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter