SA panayam ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa programang SMNI Exclusive kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte, ibinahagi nito ang mga programa na maipagmamalaki ng Office of the Vice President.
Kabilang na dito ang pagbabago campaign na layuning matulungan at matugunan ang mga problema ng mga mamamayan.
“During my first 3 months, 4 months, ako ‘yung bumababa doon sa school, pupunta ako sa lugar, ginagawa ko ‘yung trabaho ng Office of the Vice-President, ‘yung Pagbabago Campaign. Ginagawa ko ‘yung LGU na event and then pumupunta ako sa school, and then doon ko na-notice na madami talaga silang trabaho doon na sometimes hindi nagkakaintindihan, miscommunication, misunderstanding, lahat ng ‘mis’ nandoon sa school,” pahayag ni VP Sara Duterte.
“We did it first experiment namin was Leyte and Samar, Region 8 and then ang feedback was very successful dahil nakapag ventilate, nakapagsalita ang mga Divisions. At hindi naging defensive ang Region Offices namin kasi nandoon kami para makinig hindi para magalit or mang-utos,” dagdag pa ni VP Sara.
Samantala nakatakda namang ipatupad sa susunod na taon ang programang ‘Magnegosyo Ta Day’ at ‘Peace 911’ na una nang ipinatupad sa Davao City noong siya ay mayor pa lamang.
“Itong dinala namin na tatlo Pastor, itong Peace 911, Mag Negosyo Ta Day, at saka Pagbabago Campaign, ito talaga ang masasabi ko na marami siyang natulungan dito sa Davao City. ‘Yung Peace 911 Pastor, contributed greatly sa fall ng insurgency dito,” ayon pa kay VP Sara.
Dental health ng mga kabataan, isa sa mga tututukan ni VP at Education Secretary Sara Duterte
Bukod dito, ibinahagi rin ni DepEd Sec. Inday Sara na plano ring tututukan ng DepEd ang dental health ng mga kabataan.
Layunin nitong mabigyan ng magandang ngiti ang bawat bata.
Sa ngayon, ang DepEd ay mayroong ipinamamahaging Filipino learners PagbaBAGo bags na naglalaman din ng dental kit.
Sa katunayan, umabot na sa mahigit tatlong libong Filipino learners PagbaBAGo bags ang naipamahagi sa iba’t ibang lugar sa loob ng 100 araw niyang panunungkulan.
“So doon sa PagbaBAGo bags namin Pastor, sinasamahan namin ‘yun ng toothbrush at saka toothpaste and instructions sa mga bata, paano mag toothbrush na kinuha namin dito din sa Davao Dental Society na instructions. Kasi para lahat ng bata maganda ang smile,” aniya pa.
“By next year we will go full blast dyan. Ang ginagawa kasi namin Pastor kasi nga natuto ako dito ng time management, ‘pag meron kaming trabaho for DepEd sa isang area sinasabay ko ‘yung OVP. So ginagawa ko mix ng events, mix ng activities for the day in one certain area. So nagde-DepEd ako, nag o-OVP ako, and then nagpapasalamat ako sa mga tao sa suporta nila, sa tulong nila,” dagdag pa ni VP Sara.
Aniya, maganda kung bata pa lang ay mapangalagaan na ang mga ngipin.
Dagdag pa nito, mayroon nang binubuong programa ang DepEd para sa toothbrush drills prevention upang matuto ang mga bata ng tamang pagsisipilyo.
“Meron kaming kini-create na program ngayon from Kindergarten to Grade 12, na we intend to run corollary doon sa pagpapatakbo ng ROTC doon sa higher education. Sinasabi namin sa kanila ang ituturo namin dito like skills, service, values dito sa basic education, kasama ‘yun Pastor ‘yung good hygiene, and kasama ‘yung toothbrush drills doon. But hindi pa kami ready ngayon kasi ginagawa pa namin ‘yung program but we target to roll it out sa field 2024 or 2025, pero hinahabol namin ‘yung School Year 2024-2025 na masali ‘yan, parang mandatory toothbrush drill sa mga ano natin,” pahayag pa ni VP sara.
Sa huli, ibinahagi naman ni VP Sara na hangad niya na marami pa ang maabot at matulungan ng kanyang ahensya sa mga susunod na taon ng kanyang panunungkulan.