NAGTUNGO si Vice President Sara Duterte sa Busay Elementary School sa Isabela City, Basilan noong Nobyembre 27 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-89 na Anibersaryo ng OVP.
Nagsagawa ang ahensiya ng isang tree planting activity roon na bahagi ng PagbaBAGo Campaign kung saan layunin nitong magtanim ng isang milyong puno hanggang taong 2028.
Namigay rin ng mga PagbaBAGo bags upang isulong ang adbokasiya na pagpapahalaga sa edukasyon.
Paulit-ulit namang pinapaalala ni VP Sara sa mga estudyante na mag-aral nang mabuti at magtapos dahil ang edukasyon ang susi sa pagbabago ng kanilang buhay at ng kanilang pamilya.
Muli ay nagpasalamat si VP Sara sa mga guro at mag-aaral ng Busay Elementary School sa bihirang pagkakataon na makasama at makausap ang mga ito maging sa mainit nilang pagtanggap sa kaniya.
Aniya nakakataba ng puso ang pagmamahal at suporta na ibinibigay ng mga ito sa kaniya at sa OVP.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.