Pagbabakuna ng 2nd booster sa mga may comorbidities, inumpisahan na sa NCR

Pagbabakuna ng 2nd booster sa mga may comorbidities, inumpisahan na sa NCR

NAGSIMULA na ang pagbabakuna ng second booster shot para sa mga edad 50 pataas at 18-49 na may comorbidities sa mga lungsod ng Metro Manila.

Ito’y matapos inilabas ng Department of Health (DOH) ang guidedlines para dito.

Tiniyak naman ng DOH na sapat ang COVID-19 vaccines para sa 2nd booster sa buong bansa.

Sa San Juan City, pinangunahan ito ni Mayor Francis Zamora katuwang ang DOH at Department of  Interior and Local Government (DILG).

Bakunang Pfizer ang kanilang gagamitin para sa 2nd booster ng nasabing priority group kung saan nasa 41,000 ang available doses.

Umaasa si Zamora na sa lalong madaling panahon ay ma-expand pa ang pagbabakuna ng second booster.

 “I’m hoping that eventually they will expand soon to 18-49 na heath population. Bakit po? Dahil dito sa San Juan halimbawa marami sa mga nabigyan na ng first booster ay lagpas na apat na buwan na,” pahayag ni Zamora.

Sa Makati City, binuksan na rin ang pagbabakuna ng second booster sa nasabing priority group.

Ibinaba ng Makati LGU ang mga bakuna para sa 2nd booster shot sa mga piling health centers kabilang na sa San Isidro, Sta Cruz, Tejeros, Cembo, East Rembo, at Rizal.

Pinaaalahanan naman ang mga taga-Makati na kailangang siguraduhing apat na buwan ang pagitan ng 1st booster at 2nd booster.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang pagbibigay ng 2nd booster para sa A1 (Medical frontliners), A2 (Seniors) at A3 (Immunocompromised) categories sa lungsod.

Tiniyak naman ng DOH na sapat ang bakuna para sa second booster.

 “We have enough and in fact we have enough to lasts us even for the campaign di ba. And even longer. Tapos ngayon patuloy rin po yung tawag ng mga bansa sa atin, mga bilateral partners as well as COVAX, patuloy pa rin pwede pang dumating yung stocks no. Tayo na nagsasabi na hindi, we have enough pa,” pahayag ni Usec. Beverly Ho.

 

Follow SMNI News on Twitter