PINALAWAK pa ng pamahalaan ng Quezon City ang kanilang programa sa pagbabakuna simula ngayong linggo para sa lahat ng eligible individual.
Ito ay upang makatulong na palakasin ang immunity ng mga residente laban sa mas nakakahawa at nakakamatay na COVID-19.
Dahil dito, magbubukas pa ang pamahalaang lungsod ng mga vaccination site sa lahat ng anim na distrito, upang ma-accommodate ang mga natitirang hindi pa nabakunahang residente pati na rin ang mga dapat magpa-booster shot.
Mayroong kabuuang 36 regular vaccination sites, 21 special o pop-up sites at 16 mall o establishment vaccination sites.
Habang ang mga drive thru vaccination site ay nagsimula na rin kahapon gaya ng SM North EDSA at SM Fairview carpark at nagsagawa rin ng house to house vaccination ang lungsod para sa mga bedridden.
“We will be actively looking for those who are still unvaccinated and encourage them to get their COVID-19 vaccine shots immediately so they can acquire protection against the virus, which has been raging again since the latter part of last month. This is on top of our duty to assist COVID-19 confirmed persons by treating them in our Hope facilities or through our home care program, and to trace close-contact individuals,” pahayag ni Quezon City Joy Belmonte.
Matapos isinailalim sa Alert Level 3 ang National Capital Region at ang pagsuspinde ng face-to-face classes, gagamitin ngayon ang school grounds bilang karagdagang vaccination sites.
Habang ang Mega Vaccination Site at Smart Araneta Coliseum ay muling magbubukas ng pagbabakuna sa Sabado, Enero 15.
“Last year, we went all out to achieve our target of 1.7 million vaccinated adult individuals in record time. The same strategies will be implemented this time, including maximizing partnerships with the private sector such as malls and business establishments, churches, civic associations, and other stakeholders,” ani QC Task Force Vax to Normal Coordinator Dr. Maria Lourdes Eleria.
Ang Novaliches District Hospital, Quezon City General Hospital at ang Rosario Maclang Bautista General Hospital ay nagkaroon din ng mga lugar ng pagbabakuna sa loob ng kanilang mga compound.
Gayundin ang ibang mga pribadong ospital tulad ng Providence Hospital at Montano Ramos Hospital ay tutulong din sa pagsisikap ng lungsod sa pamamagitan ng Adopt-a-Barangay program kung saan ang kanilang mga healthcare worker ay magbabakuna sa mga residente ng ilang barangay.
Kasabay nito, nakikipag-ugnayan na rin sa pamahalaang lungsod ang ilang ahensya ng gobyerno na may mga opisina sa Quezon City para sa kanilang vaccination rollouts.