Pagbabakuna sa mga seafarer ng Marina at Villar Sipag, nagpapatuloy

Pagbabakuna sa mga seafarer ng Marina at Villar Sipag, nagpapatuloy

NAGPAPATULOY ang pagbabakuna sa mga seafarer sa The Villar Tent sa South Global City, Las Piñas, bilang vaccination site.

Sa pakikipagtulungan ng Maritime Industry Authority o Marina, nasa 1,000 Pinoy seafarers ang makatatanggap ng libreng bakuna.

Magugunitang, pinarangalan ng Marina sina Senator Cynthia Villar at anak nito na si Rep. Camille Villar sa kanilang tulong sa pagbabakuna sa mga seafarer.

“The vaccination of our Pinoy seafarers will allow them to go back to their ship safely to resume work in order to earn a living, as well as to give them the necessary protection against the COVID-19 and its many variants, including the most infectious and highly transmissible Delta,”ayon kay Senator Villar.

Nabakunahan ang mga seafarers noong buwan ng Hunyo hanggang Agosto.

Malaking tulong ito sa kanila dahil madali na silang makapasok o makabalik sa kanilang kompanya dahil bakunado na sila.

Samantala, nabibilang naman ang mga seafarer sa A1 Category.

SMNI NEWS