Pagbabalik-eskwela ng mga estudyante, naging maayos; Ilang klase suspendido – DepEd

Pagbabalik-eskwela ng mga estudyante, naging maayos; Ilang klase suspendido – DepEd

WALANG naitalang untoward incident ang Department of Education (DepEd) sa muling pagsisimula ng face-to-face classes kasunod ng selebrasyon ng panahon ng Kapaskuhan at New Year.

Gayunpaman, dahil sa mga pag-ulan at pagbaha na naranasan ng ilang lugar sa bansa dahil sa sama ng panahon ay suspendido ang ilang pasok.

Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, walang mga naiulat na mga insidente sa muling pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa.

Naging mahaba rin ang holiday break ng mga mag-aaral kung saan ay umabot ng mahigit 2 linggong.

Pero paglalahad ni Poa may mga ilang lokal na pamahalaan ang  nagsuspendi ng mga klase dahil sa masamang panahon.

Suspendido ang mga klase sa ilang lugar sa Region V o Bicol Region, VI o Western Visayas, VIII o Eastern Visayas at Mimaropa ani Poa.

However, classes were suspended by the lgus of certain areas found in regions v, vi, viii and mimaropa due to inclement weather,” ayon kay Poa.

Samantala, 8 paaralan ang ginamit bilang evacuation center sa Caraga at Northern Mindanao.

“Based on the latest report of the Regional Directors of Caraga and Region X, as of yesterday (January 3), only 8 schools are currently being used as evacuation centers,” aniya pa.

Sa isang education cluster report, umabot sa 41 eskwelahan sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga ang may mga sira dahil sa mga pag-ulan at pagbaha dulot ng shearline at ng low pressure area.

Ayon sa report, nagkakahalaga ng P389.50-M upang maayos ang mga sira sa mga paaralan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI NEWS in Tiktok