INANUNSYO ng Philippine Airlines (PAL) na simula ngayon Disyembre magbabalik na ang flights nito mula Cebu patungong Bangkok –Thailand.
Ito’y matapos sa pansamantalang itinigil ang nasabing flight dulot ng pandemya.
Muling ipakikilala ng PAL ang direktang flight nito sa pagitan ng Cebu City at Bangkok simula sa Disyembre 9, 2022.
Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, ang dalawang beses na lingguhang serbisyo ng PAL ay nagpapalawak ng network ng mga international flight
Dahil dito, hindi na rin kinakailangan magpunta ang mga pasahero sa Manila para lang sumakay patungong Thailand.
Sinabi din ni PAL President & COO Captain Stanley K. Ng, ang pagbabalik ng flight ng Bangkok-Cebu ang nagbibigay ng pagkakataon na palaguin ang market passenger ng Pilipinas-Thailand, gamit ang Cebu regional hub upang palakasin ang turismo at pag-unlad ng ekonomiya sa bansa.
“Our Bangkok-Cebu flights give us the opportunity to grow the Philippines-Thailand passenger market, using our Cebu regional hub to boost tourism and economic development,” pahayag ni Ng.
Ang PAL ay magpapatakbo ng mga flight gamit ang 199-seater na Airbus A321CEO aircraft at may biyahe ito tuwing araw ng Lunes at Biyernes sa pamamagitan ng flight PR 738 at PR 739.
Matatandaan nag simulang nag-operate ang PAL Cebu-Bangkok noong December 2017 hanggang March 2020 at natigil ito dulot ng pandemya.
Bukod pa dito hinahanda na ng Department of Transportation – Civil Aviation Authority of the Philippines (DOTr-CAAP) ang Loakan Airport para sa commercial flights ng Philippine Airlines mula Cebu patungong Baguio.