Pagbabanta at pagmumura ng isang pulis sa mga residente sa Quiapo, Manila-iimbestigahan

IIMBESTIGAHAN ng Manila Police District (MPD) ang video na makikita ang pagbabanta at pagmumura ng isang pulis sa ilang residente na nais lumabas sa isang control point sa Muslim Town sa Quiapo, Manila kahapon.

Ito ang tiniyak ni MPD Chief Brigadier General Rolando Miranda matapos malaman ang naturang insidente.

Nangako rin ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na iimbestigahan ang viral video.

Kaugnay nito, kinumpirma ni MPD Station 3 Commander Lt. Col. Rey Magdaluyo na siya ang pulis sa video.

Depensa ni Magdaluyo, ipinapatupad lamang niya ang batas kaugnay sa enhanced community quarantine lalo na aniya na maraming patient under investigation (pui) at person under monitoring (pum) sa lugar.

Umani ng batikos ang ginawa ni Magdaluyo na nagmura at nagbanta na babarilin ang mga lalabas ng bahay ngayong ipinatutupad ang enhanced community quarantine.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.