Pagbabanta at pananakot ng PNP kay FPRRD hinihingan ng paliwanag sa PNP

Pagbabanta at pananakot ng PNP kay FPRRD hinihingan ng paliwanag sa PNP

HINIHINGAN na ng komento ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa paraan ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Nakuhanan ng video si PNP CIDG PMaj. Nicolas Torre na binabantaan at tinakot si Duterte na hihilain nito ang dating Presidente para lang dalhin at maipasok sa private jet na gagamitin para ilipad ang dating Pangulo sa The Hague, Netherlands.

Narinig din sa video ang pagtanggi ng dating Pangulo pero pinilit pa rin ito na maisakay sa eroplano.
Sa kabilang banda, iginiit nit Torre na wala aniyang mas mataas sa kaniya na kahit sinuman bilang commander ng operasyon.

Pero taliwas ito sa sinasabi ng PNP na umalalay lamang sila sa implementasyon ng Warrant of Arrest.
Umani naman ng samu’t saring komento at pagkadismaya mula sa publiko ang naging pagtrato ni Torre sa dating Presidente gayunpaman sumakay rin si FPRRD sa nasabing eroplano.

Nauna nang kinuwestiyon ng kampo ni Duterte ang legalidad ng pag-aresto sa dating Pangulo dahil hindi man lang nabigyan anila ng pagkakataon na makuha ang fundamental rights nito.
Sa ngayon, pinipilit pang kunan ng reaksiyon at pagpapaliwanag ang PNP sa usaping ito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter