Pagbabasa ng mga kabataan sa Calamba City, mas mahahasa ng Project HELOW

Pagbabasa ng mga kabataan sa Calamba City, mas mahahasa ng Project HELOW

MAS mahahasa ang pagbabasa ng mga kabataan sa Calamba City matapos inilunsad ng Schools Division ng Calamba ang Project Highly-Enhanced Library-on-Wheels (HELOW).

Ang Project HELOW ay isang mobile library na gawa sa isang converted DepEd van na lumilibot sa mga paaralan sa kanilang dibisyon tuwing Miyerkules.

Ayon kay Dr. John Carlo A. Paita, ang Education Program Supervisor-in-Charge ng Learning Resource Management and Development Section, nagsimula ang Project HELOW sa paglalayon ng SDO Calamba City na mas mailapit ang library services at reading program nito sa mga malalayong paaralan.

Sa kasalukuyan, lumilibot at bukas ito sa 73 pampublikong paaralan sa buong dibisyon.

Ilan sa mga serbisyong hatid ng Project HELOW ay theme reading, one-on-one reading tutorial, e-reading, storytelling, film viewing, access to electronic resources at book borrowing gamit ang online book borrowing system.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter