STRIKTONG ipagbabawal na ng Hong Kong ang pagkakaroon at paggamit ng e-cigarette cartridges sa mga pampublikong lugar pagsapit ng kalagitnaan ng taong 2026.
Ayon kay Hong Kong Secretary for Health Lo Chung-mau, napapanahon na aniya ang pagbabawal na ito upang maprotektahan ang kanilang mga kabataan.
Kung matatandaan, taong 2022 pa nang unang ipinagbawal ng Hong Kong ang importasyon, paggawa, at pagbebenta ng e-cigarettes at heated tobacco products.
Ngunit nananatili pa rin itong laganap hanggang sa kasalukuyan.
Samantala, sa datos ng World Health Organization, nasa 35 na bansa na ang nagbabawal sa pagbebenta ng e-cigarettes.