Pagbabawal ng eating vlogs at mukbangs sa bansa, patuloy na pag-aaralan—DOH

Pagbabawal ng eating vlogs at mukbangs sa bansa, patuloy na pag-aaralan—DOH

MAY positibong epekto sa mental health kahit papaano ang mga mukbangs video.

Ito ang nadiskubre ng Department of Health (DOH) dahil batay sa kanilang preliminary research, ang pagiging malungkot ng isang tao ay natutugunan sa panonood ng eating videos gaya ng mukbang.

Iyon nga lang ay nahihikayat din ang viewers na kumain nang marami na siyang dahilan tungo sa pagkakaroon ng unhealthy eating habits.

Dahil dito, sinabi ng ahensiya na patuloy pa nilang pag-aaralan ang planong pagbabawal nila sa mukbang videos o eating vlogs sa bansa.

Paliwanag naman ng ahensiya, bad practice ang eating vlogs dahil hindi maganda sa kalusugan ang overeating.

Ang overeating ayon kay DOH Sec. Ted Herbosa ay sanhi para magkaroon ng hypertension, heart condition, non-communicable disease, at maging heart attack ang isang tao.

Tugon na rin ito ng DOH matapos pumanaw ang vlogger na si Dongz Apatan.

Namatay si Apatan matapos kumain ng maraming fried chicken at nagkaroon ng stroke noong Hunyo 14.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble