SUPORTADO ni National Task Force against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. ang plano ng Comelec na ipagbawal ang face-to-face na pangangampanya para sa may 2022 national election.
Binigyan-diin ni Galvez na ang malaking hamon at panganib sa kalusugan kung papayagan ang mga politiko na magsagawa ng campaign rallies o magsagawa ng door-to-door visits sa mga botante.
Ayon kay Galvez, nakikita nila na ang pangangampanya ay magpapataas ng close contact sa ibang tao.
Una nang sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na magkakaroon ng pagbabago sa “campaigning landscape” bunsod ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19.
Kabilang aniya sa ikinokonsidera ng poll body ang online campaigning para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.